More than friends but not quite lovers ang relasyon nina Carlos at Suzannah noong nasa kolehiyo sila. Umaasa sana si Suzie na magtapat ang binata dahil dama naman niyang may pagtingin din ito sa kaniya pero paano nga ba? American citizen ito at pagka-graduate nila, babalik na ito sa Chicago at maiiwan siya sa Pilipinas. Tama lang din siguro na ganoon. Mahihirapan sila malamang mag-maintain ng long-distance relationship. Ngayon, pagkalipas ng dalawampu't limang taon, muli silang nagkita. Malinaw na naroon pa rin ang damdamin nila para sa isa't isa. Pero kaya pa ba nilang buhayin ang nakaraan sa kabila ng mga pagbabagong napagdaanan na nila sa kani-kanilang buhay? CONTENT WARNING: For mature readers only. Explicit sex scenes and adult language.