Dalawang beses ko na siyang hinayaan na saktan ako. Alam kong dapat wala nang susunod. Alam kong hindi na dapat ako umasa na sa pangatlong pagkakataon na ibibigay ko ay mamahalin niya ako. Pero masisisi niyo ba ako kung sobra ang pagmamahal ko? Masisisi niyo ba ako na kahit sobrang sakit na ay pipiliin kong bigyan ulit siya ng chance? Ang tanga ko,oo. Pero wala eh. Mahal ko siya at handa akong magpakatanga para sakaniya. At aasang sa pangatlong chance na ibinigay ko ay matutunan niya akong mahalin. ¤¤¤ Story Started: August 31,2019 Story Ended: