Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo. Si Angelo Exel Formosa. Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik niyang puso. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap... Teka, hindi ba't inlove na siya sa iba?