Gusto lang naman niyang magkanobyo. Pero ayaw Mismo ni kupido. Siya lang naman itong may problema nandamay pa siya. Kaya nangako si Raila Atlanta na pagtuntong ng trenta anyos ay hindi na siya mag aasawa. "Hindi naman siguro nakakamatay kapag walang love life, Di ba?." yan ang motto sa buhay niya kapag inaasar siya ng kanyang mga pinsan. Pero paano kapag binibiro siya ng tadhana?. Nangako na siya sa sarili pero biglang natigil Kasabay ng pagtigil ng mundo niya nang makita niya si Wade elvarez Redfield. Sobrang gwapo, matikas ang tindig, business man, at bilyonaryo pa nga pero yun nga lang napakaarogante. Ang balak sanang panliligaw niya dito ay hindi natuloy dahil nilalait lang siya at hinihila pababa. Ang ending, kinasusuklaman na niya ito. At nawalan ng pag asa. Pero isang katangahan ang nangyare sa buhay niya. Nagising na lamang siyang walang saplot at hubot hubad na nakahiga patalikod habang yakap siya ng isang lalakeng kinaiinisan niya sa lahat. At ang nasabi ni Raila dito. "Walang hiya ka Wade."