Alam kong niloloko niya lang ako. Alam kong iba ang mahal niya. Alam kong napilitan lang siyang mahalin ako. Pero kahit ganun... Pumayag akong maging girlfriend niya. Pumayag akong maging tanga. Masakit? Oo, syempre. Pero pilit kong kinakalimutan ang kasinungalingang iyon pag magkasama kami. Bakit? Madali lang. Dahil kahit hindi niya ako mahal, mahal ko siya. Pero iba pala ang sakit kapag harap harapang sinampal sayo ang masakit na katotohanan. -