Bigla akong napatingin sa panyo na sumulpot sa aking harapan. Galing ito sa lalakeng katabi ko. "Ang lalim ng iniisip mo, hindi mo yata napansin na umiiyak ka na." Nabigla ako sa sinabi niya. Kaagad ko namang pinahid ang aking mga luha. Tama siya, umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. Hindi ko tinanggap ang panyo na inabot niya, dahilan para mapilitan siyang bawiin ito. "Kailangan mo ba ng kausap?" malumanay niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot. Sa labas pa din ng bintana ang tingin ko. "Sabi nila, maganda daw mag kwento ng problema sa isang stranger. Para ka daw nakipag usap sa isang Human Diary. Hindi mo iisipin na baka malaman ng mga taong malalapit sayo yung kinikimkim mong sakit" Napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko alam, pero parang nasabi ko na ang mga iyon. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "I'm willing to be your human diary. Sabihin mo sa akin lahat at hindi kita huhusgahan." Sa isang iglap ay medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
35 parts