[A/N: This story is SLIGHTLY REVISED and EDITED. Expect grammatical errors and typos.] [OBSESIÒN AMOROSA #1] I'm Maxim Enriquez. Trevor's possession. Pero hindi lahat ng bagay ay aayon sa gusto niya o gusto ko. Maraming nagbago simula nang magpakilala siya bilang ang taong tutulong para maabot ang pangarap ko. Hindi ko naman inakalang masasama siya sa pangarap na bubuoin ko. Pangarap na akala ko talaga ay mabubuo ng ganon kadali lang. Walang kahirap-hirap. Hindi pala. Pilit kaming pinaglayo ng tadhana. Pilit kaming lumaban. Pilit kaming naging matatag. Pero wala kaming nagawa. Babalik ako para bawiin siya. Bawiin kung ano ang akin naman talaga. I'm Maxim Enriquez, Trevor's possession. "Saakin ka na. Wala kang magagawa. Wala ka nang kawala. Kung kailangan itali kita sa bewang ko, gagawin ko. Tandaan mo yan." ©calypzoalcazar ©andreyoriginals | 2020mar