It was the darkest night when the bloody moon appeared. A woman prayed for help, yet death was what she received. The child was given and the demise begin. But as the dying world starts to murder its children, will there be someone who'll save them from their own haven? Si Alessana, isang babaeng puno ng kuryusidad, matapang ngunit takot sa kamatayan. Isang gabi, isang trahedya, isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng buhay niya. At sa mahabang panahon ng kanyang pamumuhay kasama ang kinikilalang pamilya, gamit ang buhay na hindi sa kanya, isang misteryosong lalake ang kanyang makikilala. Isang lalakeng magpapausbong sa kuryusidad niya, isang istranghero datapwa't pamilyar sa kanya. Ngunit sa pagtuklas niya sa sekreto ng lalakeng ito, mas malalim na hukay ang kanyang matatagpuan sa sariling pagkatao. Mauungkat ang mga panaginip na nakalimutan, mga alaalang hindi dapat pinakawalan, mga pangakong binitawan kasama ang nilalang na kanyang kinakatakutan, ang nilalang na kanilang tinatawag na si...Kamatayan.