"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with the way Princess hated him. Hindi naman niya alam kung ano ang nagawa niyang hindi maganda sa dalaga para kainisan siya ng ganoon. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya na kaibigan ng dalaga, hinding-hindi niya ito papansinin. Ngunit mapaglaro nga yata talaga ang tadhana dahil kahit hindi niya gustong aminin sa sarili ay kinailangan niya ng tulong nito. Umabot pa siya sa puntong makipag-deal dito para lang mapilitan itong tulungan siya at syempre pa, nagwagi siya. Sigurado na siya sa sarili niyang hinding-hindi siya magkakagusto sa isang katulad ni Princess na animo pasan ang problema ng buong mundo kung umasta at maraming hang-ups sa buhay pero mukhang determinadong mag-U turn ang puso niya dahil namalayan na lang niyang nahuhulog na ang loob niya dito. At dahil sa realisasyong iyon, desedido siyang tulungan ito sa malaking problemang hindi niya sinasadyang malaman na mukhang pinakatatago-tago nito at desedido din siyang gawin ang lahat, dumating lang ang araw na maging pareho na sila ng nararamdaman para sa isa't-isa.