BOOKMARK Hi! Ako nga pala si Red . kakalipat ko lang nanaman ng school. Ilang beses na din akong palipatlipat ng school dahil sa aming family business. Tamad na tamad na ako sa ganitong pamumuhay. Bagong school bagong mga mukha, nakakatamad na nga ding magkabisa ng mga pangalan e. Dahil sa sitwasyon ko na ito ay madalas wala din akong mga kaibigan dahil nga sa palipatlipat ako. Kung sa kaling may makikipagusap sa akin ay hindi ko nalamang sila pinapansin kaya naman ay maraming galit sa akin o kaya naman ay nayayabangan sa akin. Isang araw ang lahat ng mga ito ay nabago dahil sa kanya. Oo siya nga, ang babaeng nakaupo sa may hagdan at nagbabasa ng libro. Sa totoo ay hindi ko siya kilala at malamang hindi niya din ako kilala.