Sabi nila, "Kung ano ang naging simula ay siya ring maaaring maging wakas." Noong una hindi ko lubos na maunawaan ang ibig sabihin nito. At dahil sa naririnig ko nga lang siya sa iba, masasabi kong wala itong kasiguraduhan. Para sa akin, isa siyang palaisipan - kumplikado at misteryoso. Hanggang sa makilala kita. Tuluyan akong nadarang sa init ng misteryong bumabalot sa pagkatao mo... sa mga ngiti mo.
1 part