Clinick ko ang link na sinend ni Harold sa gc namin. Bumungad sa akin ang black and gold theme na may pangalan ng kompanya sa gitna at ang venue, date at oras nito sa baba. Hala! Bukas na pala sisimulan ang ini-offer nilang free vacation sa Delaware Bay City. Bigla itong lumipat sa ibang pahina at dito inilagay ang mga kailangang dalhin. Medyo hindi naman mabigat ang kinailangan dalhin doon kung hindi mga underwear lang naman, hygiene kit at sila na daw ang magpo-provide sa mga susuutin namin for four days at sa mga pagkain namin din doon. Lumipat ulit naman ito sa ibang pahina. Dito na nakalagay ang pangalan, age, address, sex at weapon I want to use to for survival (optional). Pero nagtataka lang bakit may nakalagay pang weapon for survival dito. Hindi ko nalang inalam bagkus ay sinimulan ko nalang lagyan ang hinihingi nila. Name: Pelvis Dixon Age: 17 Address: Zone 11 Brgy. Poblacion, Sinunuc City Sex: Male Weapon I want to use to for survival: Halberd Pagkatapos kong lagyan ang hinihingi nila ay bigla itong lumipat sa ibang pahina. Dito na nakasaad ang mga salitang "Thank you & Enjoy!".