Dahil sa pagtataksil ng haring si Australius at pagnanakaw ng isa sa mga pangunahing kapangyarihan ng mga diwata,at pinaslang pa nito ang Fairy Guardian Princess isinumpa ni Cassiatana (Fairy Guardian Queen) ito. Hindi nagkaroon ng babaeng mga anak ang mga Reyna sa iba't ibang palasyo upang sa ganoon matupad ang kanyang sumpa. Upang magkaroon ng Reyna ang tagapagmana ng Hari na si Prince Maurer,kahit na labag sa batas at tradisyon ng mga diwata ang mga prinsesang diwata ang siyang ipinadala sa palasyo ng mga tao upang maging Reyna. Sang ayon naman ito sa kagustuhan ng Fairy Guardian Queen na siyang nagsumpa sa kaharian.