Si Bituin, ang dalagang nakawala na sa hawla ng kalupitan ng kanyang ina, ay sumabak sa isang paligsahan, ang 'Her Voice'. Kahit matindi ang takot sa dibdib dulot ng sinapit sa kanyang ina, ay pinilit niya ang sarili na gamitin ang kanyang boses upang makaahon sa kahirapan at makabalik sa pag-aaral. Sa pagbukas ng mga pinto para sa kanya ay makikilala niya ang mga taong hindi niya inakalang magiging parte ng mapurol na buhay niya. Kasabay nito ang pagpasok ng sandamakmak na oportunidad na kalaunay nawala na parang bula nang magsimulang bumagsak ang kanyang karera sa industriya.