Patintero, Luksong Tinik, Luksong Baka, Agawang Base, Chinese Garter at Tagu-Taguan ay iilan lamang sa mga larong patok noong mga panahong wala pang Flappy Bird at Candy Crush. Naranasan mo bang makapaglaro ng ilan sa mga ito? Kung ikaw ay anim na taon pataas nang simula kang makapaglaro ng mga iyan, isa ka sa mga Batang 90's. Naaalala mo pa ba kung sinu-sino ang mga naging kalaro mo ng Agawang Base? Naging kaaway sa Luksong Tinik? Naging kakampi sa Kampihan para sa Tentwenti o umayaw maging kakampi ka sa Patintero kasi lampa ka? Natatandaan mo ba ang salitang "Taympers"? Muli nating balikan ang mga alaala ng dekada nobenta, malungkot man o masaya. @jhelicious