Nagmamahal ng tunay pero winasak nilang sabay-sabay. Siya si Izabele o kilalang Iza. Si Izabele Rea Valina mayroong kasintahan na kaibigan nila noon pang mga bata sila, na nagngangalang Caleb. Nang mag-aral na sila ng kolehiya, sila ay nakitang muli. Kaya doon nabuo ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Lahat naman ng relasyon ay nagkakaroon ng problema o away. Ang relasyon nila, nabalot ng paniniwala sa kapalaran na sila talaga para sa isa't-isa. Pero iyon nga ba ang pingadadasal nila? Ang magkasama habangbuhay at magkaroon ng pamilya? Kahit kapatid, kamag-anak o maski ang pagiging abala man ang humadlang ay kakayanin kaya nila? Masusubukan ang pananampalataya nila sa maling bagay.