Time is cruel. Now that I look back. Now that I think about it all. Ang sabi, kapag masaya ka, bumibilis ang oras. At kapag hinihiling mo namang bumilis ito, saka bumabagal. When I met her, hindi ko man lang namalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Masyado kong tinuon ang atensyon sa masasayang oras na kasama siya. Nakaligtaan ko na hindi lang pala puro masasaya iyon. Naging duwag ako. Hindi ko nasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Kasi akala ko nasa amin naman ang lahat ng panahon. Nagkamali ako. And now, I could only wish to turn back time. Back when it was all okay. Kasi kung alam ko lang, hindi na sana niya kailangang umalis. Love, Magui Genre: Young Adult/ Drama/ Mental Health Written by: starbucksloner Cover Design by: John Edlisan