Nagbago ako dahil gusto ko ng mapayapang buhay sawa nadin ako s gulo dahil kahit ka san papunta kahit saan ka lumingon may mga kaaway na naghihintay lang ng tyempo para mabanatan ka. At pinapasok ako ng parents ko sa isang school na akala nila ay matutulungan ako. Tss. Eh nasa labas palang ako nagbago na ako sila lang talaga mapilit. Pero dahil nga sabi ko ay nagbago na ako sinunod ko nalang ang gusto nila. Nang makapasok naman ako ay sa mga ka close ko lang naman ipinapakita ang pagkamakulit at mga kalokohan ko naging masiyahin nadin ako dahil payapa ang kalooban ko. Pero HA.HA.HA. funny kahit saan at kahit nagbago na ako ay nasundan parin ako ng dating kaaway ko at alam kong isang malaking gulo to lalo na sakin. Tapos may makikilala pa akong lalaki na sobrang bilib sa sarili kaya kinainisan ko. Makalipas lang ang mga buwan ay nagparamdam siya na may gusto siya sakin, niligawan ako, sinagot ko ng matagal pang panahon para matingnan ko kung deserve niya ba ako, minahal niya ako, minahal ko siya, inawan niya ako, Umiyak ako pero di sobra nung araw lang na yon ako umiyak pagkatapos non everything back to normal. Kinabukasan di na ako umiyak dahil kahit ilang luha pa ang lumabas sa mata ko di na nito maibabalik ang dating KAMI at di naman nito mahihilom ang ginawang sakit niya sa puso ko.