Isang maganda at napakatalentadong dalaga. Iyan ang isa sa mga laging papuri sa dalagang si Rae. Kasama ang kanyang kinikilalang ina ay masaya siyang namumuhay sa mundo ng mga mortal. Ngunit paano kung kailangan niya nang bumalik sa mundong pinanggalingan niya? Paano kung kailangan niya nang gampanan ang isang responsibilidad na hindi niya kailanman narinig? Paano kung lumabas ang isang katotohanan na matagal nang itinago? Matatanggap niya kaya ito?