Unang naranasan ang paghanga, unang tumulo ang luha, unang naramdaman ang kakaibang saya sa tuwing makikita, sa tuwing makakasama, sa tuwing mapapansin ng mailap mong mga mata. Nangyari ng lahat ng yan sa murang kaisipan, iyon na siguro ang tinatawag nilang crush, puppy love. Ngunit ilang taon lang ng ikaw ay nakasama sa paaralan dahil sumapit ang araw ng pagtatapos natin sa elementarya, kung saan tayo unang nagkakilala. Magkakaroon pa kaya tayo ng pagkakataon sa hinaharap o hanggang dyan lang ang aking nararamdaman.