Nagkataong ikakasal sa parehong araw sina Valentine at Zeus sa kani-kanilang kabiyak para sa pang-habambuhay na pagsasama. Sa kasamaang palad, sila'y binigo ng mga ito dahil iniwan sa mismong kaganapan. Sa napakatinding sakit na kanilang dinanas, sila'y napatakbo papalabas ng kani-kanilang simbahan ngunit walang kasiguraduhang lugar na pupuntahan. Hanggang sa sila'y nagkita na parehong malungkot at luhaan, suot ang pangkasal na kasuotan. Wrong timing man ang kanilang unang pagkita, dito naman nagsimula ang kakaibang koneksyon na taglay nila. Ngunit sa kanilang pagkakakilala, muling gagambala ang mga taong minsan na rin naging parte ng kanilang mga buhay. That was such an awful wedding experience for these tormented lovers. But that unexpected moment... made everything beyond different. Ano bang ipinaparating ng tadhana sa kanilang pagtagpo? Was that ordinary and purely coincidental? O baka iyon na ang hudyat na matatagpuan sa isa't isa ang tunay na pagmamahal.
7 parts