Sa Paraiso Natin Simple lang ang pangarap ni Tristan Perez: ang kumanta. Sa kanyang pag-abot sa kanyang pangarap, isang hindi inaasahang pag-ibig ang natagpuan niya. Sa isang mundo na puno ng ilaw at pitik ng kamera, paano mo mapagtatakpan ang pag-ibig na maaring sumira sa iyong pangarap? O magiging sapat na lang ba ang mga lihim na tagpo at mga nakaw na kasiyahan sa paraiso natin?