Sa ikalabindalawang araw sa buwan ng Mayo, sa distrito ng Tercero, ginanap ang seleksyon ng magiging ikapitong asawa ng hari. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang kapatid ni Hiraya na si Amihan ang napili. Upang maisagip ang kapatid sa naging kapalaran, sumanib siya sa Motus Femina, isang Kilusang Propaganda na pinangunahan ng mga kababaihan.