Dra. Rei Samaniego. Half-Korean half-Filipino fellow doctor na nagpasyang umuwi sa Pilipinas para takasan ang amang nagpupumilit na gawin siya negosyante. Seryoso at dedicated sa trabaho, isa siya sa mga pinakabatang fellow doctor sa ospital na pinagtetrainingan niya. Eron Gonzales. Third-year nursing student. Pinilit ng ina na lumipat ng Maynila galing Davao dahil sa edad na biente-sais ay hindi pa rin makatapos ng kolehiyo. 'Nagsashopping ng school' ayon sa kapatid nitong si Shayne. Nagkatagpo ang dalawa at hindi nila kapwa maitanggi ang matinding atraksyon na nararamdaman sa isa't - isa. Ngunit maari bang ibigin ng isang doktor ang estudyante ng kaibigan niya?