Rebellion Series #8 "Kaya mo pa ba siyang mahalin kahit nasasaktan ka na?" Siya ang una kong pag ibig. Una kong halik. Una sa lahat ng bagay pero mas pinili niyang paulit ulit din akong saktan. Sabi nila matalino ako at maganda pero ang tanga ko pagdating sa pagibig. Sabi nila ang martir binabaril. Anong magagawa ko kung mahal ko siya? Nagmamahal lang naman ako ng lalaking parang kumukolekta lang ng action figures kung mangolekta ng babae. Kahit magkarelasyon kami ay paulit ulit niyang binabalewala ang nararamdaman ko. Pero isang tanong ang pumapasok sa isip ko. Hanggang kailan ako magtitiis sa sakit na dulot niya? Hanggang kailan ako mananatili kasama siya at hanggang kailan ako luluha dahil sa kanya? Maari bang itigil na niya ang pagpapahirap at pagwasak sa puso ko? Will he stop breaking my heart?