Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol sa inyong pagmamahalan? Paano mo ipaglalaban, ang pagmamahal, na sa una pa lang mali na? Madaming katanungan. Madaming paano. Itutuloy mo pa ba ang pagmamahal mo kung malalaman mong ang babaeng mahal na mahal mo ay anak ng iyong ama? Anak sa kauna-unahang babae na minahal n'ya. Ipaglalaban mo pa ba ang mali, kahit ang paghinto at pagtanggap sa katotohanan ang tama. Ano ang gagawin ng dalawang pusong nagmamahalan kung ang hahadlang sa kanila ay ang masakit na katotohanan? Kaya pa bang ipaglaban ni Matthew Rey Mondragon ang pagmamahal niya kay Maria Thalia Buenaventura, kung kahit ang tadhana ay ayaw sa pag-iibigan nilang dalawa.