Walang gusto si Thea kay Axel kahit pa sabihing gwapo ito, bukod pa sa barkada ito ng kanyang Kuya, masungit din itong tignan. Mahirap pakisamahan, akala mo palaging may prinoproblema, akala mo pasan niya ang mundo, malimit lang magsalita. Wala siyang gusto dito, yan ang alam niya , pero dumating ang isang araw na hindi niya namamalayan, unti unti na niyang napagtanto na minamahal na niya ang binata ng hindi inaasahan. Ganoon din ba kaya si Axel sa kanya lalo na at may biglang babalik?