"Love is like the sun, shining down to everyone. And when you found it, it gives you warmth. Love is like the sun, love is in the air, love is everywhere unlimited and free." Kagaya ng kanta ni Daniel Padilla, ang pag-ibig daw ay parang hangin. Kahit saan at kahit kailan ito'y ating mararamdaman. Para din daw itong araw na kung saan sumisikat ito kanino man. Walang sinisino bastat ito'y iyong nararamdaman. Nagbibigay din ito init na siyang nagpapaalab sa mga puso. Ngunit paano kung ang pag-ibig na naramdaman mo ay hindi pangkaraniwan? Paano kung ang nagbibigay init sayo na gaya nang sa araw ay hindi mo kayang ipagmalaki sa kahit na sino man. Paano kung ang pag-ibig na iyong nararamdaman ay mali sa paningin ng ibang tao, Magpapadala ka pa ba sa kanta ni Daniel Padilla o nanaisin mo na lang na ilihim ang inyong pagmamahalan dahil sa mapanghusgang lipunan?