(R18+) Meet Hya Rivera, isang graduating architecture student ng Mendez Academy. Ulilang anak, mayaman, maganda at palabang babae. Lumaki siya na ang tanging kasama niya ay ang mayordoma at iba pang katulong sa bahay, dahil namatay ang kaniyang mga magulang sa isang airplane crash nang siya'y sampung taong gulang pa lamang. Pagtuntong niyang kolehiyo ay nakilala niya ang nagpatibok ng kaniyang puso na si Cedric Mendez, isang engineering student, mayaman, ubod ng kagwapuhan at anak ng chairman ng Mendez University. Naging sila noong second year college pa lamang sila. Naging masaya ang relasyon nila ngunit, pagtuntong nilang fourth year college ay may nangyari sa kanila at nagbunga iyon. Gano'n na lamang kasama ang dagok ng langit sa dalaga dahil nalaman niyang may leukemia siya, hindi magtatagal ay mamamaalam na siya sa mundo. Tumigil siya sa pag-aaral para alagaan ang kaniyang sarili upang mailigtas ang anghel na nasa sinapupunan niya. Ngunit, sa kabila ng kaniyang kalagayan, paano kung ang kaniyang pinakamamahal na lalaki ay nagagawa pa siyang lokohin? Maililigtas niya ba ang anghel ng kaniyang buhay? O patuloy na siyang mamamaalam? Paano kaya haharapin ni Hya ang kaniyang mapait na kapalaran?