Elvis Costello ang pusong babae na walang ibang hinangad kundi ang mahalin siya ng kaisa-isang tao sa puso niya. He's so very supportive to him, he even played mobile legends for him dahil alam niya na ito ang isa sa mga gusto ng taong mahal niya. He's the happiest when they always stream dahil kahit papaano nakakaramdam parin siya ng love and care kahit peke. Bryce Rossi isang sikat na streamer sa mundo ng Mobile Legends. Ang gusto niya lang ay ang makamit niya ang mga pangarap niya na mag champion sa lahat ng tournament. Bryce knows kung ano ang nararamdaman ni Elvis sakanya ngunit sa tuwing naiisip niya ito halos masuka pa ito sa labis na pandidiri. At para sakanya ang ka-sweetan nila sa streams ay hanggang doon lang iyon.