Goddess Of The Stars: The Chosen Star - Stella Valencia's Story Minsan ba ay sumagi na sa isip mo na isipin na kung ano ka o kung anong kalagayan mo sa ibang mundo o ang tinatawag nila na parallel universe or multiverse? Naisip mo na rin ba na totoo bang may ibang mundo pa bukod sa mundo natin ngayon? Ni minsan ay hindi naisip ni Stella ang mga bagay na 'yan, mga bagay na hindi niya inaasahang makakapagpabago at magpapagulo ng takbo ng kanyang buhay. Nagising siya sa isang ospital at nalaman na lamang niya na wala siya sa kanyang mundo, sa mundo din na 'yon ay doon niya nakita si Theo, ang isang bersyon ng boyfriend niya sa mundong kung saan siya napadpad at sila ay naging matalik na magkaibigan. Ngunit ano nga ba ang dahilan o konekta ng ibang mundo sa buhay ni Stella para mapadpad siya doon? Start: 06/12/2021 End: ???