"Hihintayin ka sa ating tagpuan mahal ko, Hihintayin ko ang kaluluwa mong yumakap sa aking katawan sa araw na ako ay makapag tapos. Hindi ba't ito ang gusto mo? hindi ba't ito ang ating pinapangarap ang makapagtapos tayong dalawa ng sabay, ang maglakad tayo ng sabay sa gitna ng maraming tao papunta sa stage. Pero heto ako ngayon, mag isang umaaykat sa stage, mag isang tutupadin ang ating pinapangarap. Siguro sa ating susunod na buhay, tayo naman. Siguro sa ating susunod na buhay, kasama kitang tutupad at maglalakad patungo sa ating pangarap. I wish i make you proud. I love you, Jason"