"Kasal kanaba?" He asked. Nakatingin siya ng diretso at naghahantay ng sagot. "Oo, alam mo naman samin. Hindi pwede pagsamahin ng hindi kasal, alam mo masyado akong mapusok ng sandaling yon, pakiramdam ko nagmamadali ang oras. At ilan minuto lang hindi na ko sasaya." Napangiti ako. Dahil natatangahan ako sa mga ginawa niya. Siya kasi yung tipo ng tao na mahuhuli, pahulihin. At kung kelan masaya kana tsaka siya darating. " Ikaw kasal kana ba sakaniya?" Tanong ko habang nakatingin sa nilalaro niyang bato habang tinatapon sa gilid. "Mag -iipon pa ko." Habang nakatingin sa'kin Nakaramdam ako ng hiya sa pagkatitig niya, parang nanghihinayang dahil kailangan na niyang umalis. "Ingat ka, salamat nadala mo yung order ko, next time uli." Ngumiti siya tsaka humarurot. Bigla kong naisip, kung anong sitwasyon kinasasakladan ko, gayong umuwi ako sa dating bahay. Kasama ng mga kapatid at pinsan ko. Hindi sila nag- oopen ng topic sa problemang kinakaharap ko. At nagpapasalamat ako.