Tibo, pangit, pinulot lang sa kanto. Hindi na bago kay Rain Sylvatora na makarinig ng mga ganiyang salitaan. Kuntento naman ang dalaga sa kaniyang pagkatao, kaya wala siyang pakialam sa kung ano ang opinion ng iba sa kaniya. Subalit sa usapang panlabas na kaanyuan, ano nga ba naman ang laban niya sa mga nag-gagandahang kababaihan na naghahabol kay Ibarra Merdez? Bagaman tanggap ni Rain na hanggang tanaw na lamang siya sa lalaking nagugustuhan, hindi niya parin maiwasan na mapatanong kung kailan kaya... Kailan kaya mapapansin ang kaniyang pusong matagal nang naghihintay?