Nasunog ang main building ng Ginintuang Lupa Foundation habang may dalawang daang mga trabahador pa ang nandito. Iisa lamang ang labasan ngunit sa kasamaang palad ay dito nagmula ang sunog, ang isang labasan sa may likuran ay kasalukuyang minemaintenance ng kumpanya. Walang lalabasan ang mga tao kung hindi ang basement na isang malaking espasyo na walang lalabasan. Marahil ito na ang pinakaligtas na lugar upang makaligtas sa sunog na ito ngunit sa kataka-takang pangyayari, unti unting nawalan ng malay ang mga taong ito at isa na nga rito ay si David Reyes na baguhan pa lamang sa kumpanya. Si David ay nakatulog na rin dagil sa hindi malamang dahilan. Paggising ni David ay laking gulat niya na nasa isang abandonadong gusali sila at nasa malayong lugar mula sa siyudad. Napagtanto niya na mayroong higit isang libong mga tao rin ang nandito. Matapos ang ilang sandali ay may lalaking nagsalita sa mikropono at inanyayaan silang maglaro ng mga pamilyar na larong Pinoy. Hindi nila nalaman na ito pala ay laro ng kamatayan na kung saan ay papatayin ka kung sakaling hindi ka magwagi. Papaano nga ba siya makakaligtas sa sitwasyong ito? May paraan pa ba para makaalis? Tunghayan ang kwento ng Tumbang Preso