[ONHOLD] Yara Colleen Lazaro, isang anak ng katulong na nakipagsapalaran sa Maynila upang maiahon ang kaniyang ina mula sa kahirapan at mailayo niya na ito sa bago nitong kinakasama. Isa siyang personal assistant ng isang sikat na modelo na si Cassidy Torales. Maayos ang pakikitungo nito at kaibigan pa nga ang turing sa kaniya. Isang araw, niyaya siya ni Cassidy na sumama sa kaniya sa isang party. May pag-aalinlangan pa siya noong una pero kalaunan ay pumayag na rin siya. At habang nagkakasiyahan sila ay hindi na alam ni Yara ang kaniyang ginagawa dahil sa kalasingan. Hindi na rin kayang umuwi ni Cassidy kaya nag-check-in na sila sa hotel na pinuntahan nila. At kinabukasan ay nagising siya nang may katabi na siya sa kama niya, at iyong lalaking iyon ay ang hinihiling niyang maging kamukha ng kaniyang magiging anak. What will Yara do when she finds out she is pregnant with a model's child? Will she tell or will she just choose to hide it for the sake of his career? Date started:Jan. 03, 2023 Date finished:--/--/--
35 parts