Bata pa lang ay alam na ni Sola na iba siya at ang pamilya sa mga ordinaryong tao na nakakasalamuha nila. Alam niya ring may mga paghahangad siyang higit pa sa uhaw at gutom, na hinding-hindi mapupunan ng kahit ilan pang puso. Dahil isa lang ang nais ni Sola. At nahahati man ang kabuuan niya, ang puso niya ay palaging mananatiling buo. Para sa kanya. Tanging sa kanya lamang. Kahit alam niyang hindi niya ito maaaring makamtan. Kahit kailan. Dahil ang pagtigil ng pagtibok ng puso nito, ang pagtigil ng kanya.
1 part