Sabi nila masaya daw ang mag karoon ng boyfriend na sweet, faithful, loyal at understanding. Hindi lahat ng lalaki ay perpekto kaya kapag nakahap ng ganon parang naka jackpot ka ng perfect. Masaya din daw ang may asawa dahil kasama mo sila sa hirap at sa ginhawa. masaya naman talaga ang may asawa dahil syempre, may makakasama ka sa pag tanda diba. pero para sa akin, mas masarap ang may parehas ka. i mean, may boyfriend kana may asawa kapa. HOY! malandi lang ako pero hindi ako two timer. ang ibig kong sabihin ay sa isang tao boyfriend at asawa ang turing ko sa kanya. kaso paano ako lalandi kung professor ko sya sa pinapasukan kong university?.