ABOUT COLOMBUS Colombus is a home of multi-millionaire names in the business industry. Kilala sila sa iba’t ibang larangan. Tinitingala sila ng mga kababaihan at maging ng mga kalalakihang humahanga sa kanilang kakayahan. COURTING MR. GAY Pangit, basa, mabaho, nanlilimahid at halos maloka-loka, iyan ang drama ni Jasmine nang isang umagang kagagaling lang niya mula sa isang party. Iyon din ang umagang hindi man lang niya akalaing makikila niya ang lalaking ituturing niyang pinakagwapo sa mundo, si Nathan. Ngunit ni hindi man lang siya pinansin ng binata at tinitigan pa siya ng masama nang magpacute siya rito. Simula noon ay naging laman na ang lalaki ng isip niya kahit pa nga anong suplado nito. Tinangka pa niyang ligawan ang lalaki kahit pa panay ang pambabasted nito sa kanya. Ngunit gumuho ang kanyang mundo nang mabasa niya sa tabloid ang isang headline, “Nathan Kim: Pusong Babae Din Pala!”