Ang sinag ng Luna Ilena ay nagbibigay-liwanag sa isang madilim na gabi. Nagmimistulang salamin ang ilog ng Villa Fuente sa tuwing sasapit ang ganitong pagkakataon. Ito rin ang piyesang bumubuo sa tuwing may puwang ang pakiramdam. Tinititigan ito ng magkasintahan, nangangakong hindi mag-iiwanan magpakailanman. Ngunit paano kung hindi na kasing liwanag ng sinag ng buwan ang kanilang pagmamahalan? Madarama pa kaya nila ang hiwaga ng Luna Ilena?