Si Zawi ay lumaki sa isang mariwasang pamilya. Marami ang nagkandarapa sa kanyang taglay na kagwapuhan at katalinuhan. Bawat galaw niya ay binabantayan ng kanyang mga magulang upang malaman nila ang ginagawa ni Zawi. Wala siyang ibang magawa kundi ang hayaan ito at sumunod sa mga utos. Kaya nahihirapan siyang magkaroon ng kasintahan dahil bantay-sarado siya. Subalit, may lihim na pagtingin si Zawi kay GD. Hindi lamang siya gwapo at matalino, maganda rin ang kanyang katawan. Marami rin ang nagkandarapa sa kanya at nangarap na maangkin si GD. Araw-araw, puno ng mga regalo at liham ang locker niya. Isa na roon si Zawi, na naglalagay ng liham. Isang araw, naabutan siya ni GD na naglalagay ng liham sa locker at dali-dali niya itong binasa pagkaalis ni Zawi. Nagulat si GD sa mensahe at nagsimula siyang maging interesado sa intensyon ni Zawi. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nagkatagpo silang dalawa sa banyo at marahang hinatak ni GD si Zawi papasok ng banyo upang magtago dahil hinahabol si GD ng kanyang mga kaibigan. Hindi makapaniwala si Zawi sa nangyari at dinig na dinig niya ang pintig ng kanyang puso nang maglapat ang kanilang mga katawan. Pareho silang nakatitig sa isa't isa at doon nagsimula ang kanilang kwento. Ngunit, ang kwentong iyon ay lalong gumulo nang lumabas ang mga katotohanan. Umabot sa punto na tinigil ni GD ang kanilang pagsasamahan sa hindi malamang dahilan. Wala nang magawa si Zawi kundi sumuko at tumigil na rin. Bakit kaya ganoon na lang ang nangyari sa kanilang dalawa? Started: December 20, 2023 Finished:
1 part