Parang isang pelikula. Nagtapos kami sa eksena kung saan naglalakad siya sa gitna ng mga taong malapit sa puso niya. Sa isang lugar kung saan minsan rin naming pinangarap na magtagpo sa harap Niya sa tamang panahon. Sa saliw ng pagtipa ng piyanista sa kanyang instrumento, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa altar bitbit ang maliwanag niyang ngiti. Hindi ko mabilang kung makailang beses kumislap ang mga lente ng kamera at telepono na nakatuon sa kanya. Minsan ko na ring nakita ito sa isipan ko.