Dahil sa labis na kabiguan sa buhay ng 26 years old na dalagang si FELICITY MONTECARLO, halos gabi-gabi siya kung uminom at magpakalasing, dahilan para maapektuhan ang trabaho niya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanya kasabay ng pagpapatalsik sa kanya sa inuupahang apartment. Patong-patong ang problema ni Felicity, kaya parang anghel na dumating sa buhay niya ang 27 years old na binatang si WARREN SILVANO na may-ari ng isang coffee shop na magbibigay sa kanya ng trabaho at matitirhan. Magagawa kaya ni Felicity na tuparin ang pangako sa sarili na hindi na iibig pang muli kung makakasama niya sa iisang bubong ang mala-anghel sa kagwapuhan at kabaitan na si Warren? Magagawa kaya niyang pigilan ang sekswal na atraksyon sa binata kung araw-araw niyang itong makikita at makakasama?