Nakakakilig. Nakakainis. Nakakagalit. Nakakatawa. Nakakakaba. Nakakatakot. Parang isang kumpletong rekado ng menudo ang istorya na ito. Walang ipinapangakong fairy tale. Mula sa isyu ng mga iskolar ng bayan tungkol sa bayan, tungkol sa ibang paaralan, tungkol sa kalakaran, tungkol sa isa't-isa. Hinaluan ng kaunting pag-ibig at pantasya para naman hindi masyadong kasuka-suka.  Mga karakter na nanggaling sa iba't-ibang paniniwala at kultura. Mula sa mga mananampalataya at atheists. Sa mga transferee't waitlisted at mga UPCAT passer. Hanggang sa mga pabor sa large class at hindi. Mga graduate ON TIME at IN TIME. Halos lahat na isinama.  Para damang-dama. Ito ang istorya ko. Walang ipinapangakong bagong scientific truth Sa mundo kung saan madami ang mapanlinlang. Sa buhay na mas madami pa ang tanong kaysa sa sagot. Mr. Bracket A meets Ms. Bracket E.
4 parts