10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian. 1 Timoteo 6:10 Magandang Balita Biblia Akoy' nananaghoy sa pagkawala ng pag-asa sa aking bayang sinisinta. Bakit nga ba bulag tayo sa katotohanan? Bulag o nakapiring ang ating mga mata sa kung ano ang totoong nangyayari? Bingi sa sinasabing katotohanan? Pilay sa paghakbang tungo sa pagbabago. Mabilis makalimot sa mga kasaysayan na totoo at ganap na nangyari o sadyang nasilaw sa mga pangakong walang katiyakan.