Kasama ng itinuring na niyang nanay, si Austere Antipuesto ay namuhay bilang isang simpleng estudyante sa bayan ng Bolho. Tago sa lahat ang kaniyang buhay noong musmos pa lang na pilit niyang tinatakasan.Ngunit tadhana na mismo ang magbabalik sa kaniya sa mga taong nais niyang talikuran. Wala man siyang kayang gawin kung hindi sila ay harapin, sisiguraduhin niyang iparanas kung gaano kalalim ang sugat na natamo niya sa mga ito. Pero kung si Rust Lenares ang kaniyang alas, maaari bang masupil ng binata ang kaniyang mga balak? Mahihilom ba ng sumisibol na pag-ibig ang talim ng ala-ala ng kaniyang nakaraan o lalo lang nitong wawakasan ang mailap na ngiti ni Austere? Lrameina 2022 Dew Series #1