"Alam ko na! Siguro nung umulan ng kamalasan sa pag-ibig, nagtampisaw ka 'no? Pa'no ba naman kasi, hindi ka lang malas girl. Para kang SINUMPA! Isipin mo, ang dami-daming nagkakagusto sa'yo, pero wala ka namang bet kahit isa! Sa harot mong 'yan, wala pa rin? Dadating pa kaya 'yang si Mr. Right mo?" "Cat, shh! Nakita mo na ngang umiiyak na ako eh! Ang bully mo!" Kung alam lang niya. Hindi lang talaga ako basta-bastang malas sa pag-ibig. I AM REALLY CURSED.