Esther lavender calvary Ang simpleng babae na nakatira sa manila, mahilig sa mga lumang libro,matalino,maganda,lahat na nasa kanya,nakilala ang isang lalaking taga nakaraan na si louise mack chase, ang lalaking isang magsasaka, galit sa mga politiko, matipuno,moreno ganyan kung ilarawan si louise. Paano ang isang babae ay bumalik o napunta sa nakaraan at naranasan niya ang pag ibig na hindi nya muling mararanasan sa kasalukuyang panahon. Babalik pa kaya sya sa kasalukuyan o mananatili sya sa nakaraan? Dalawang taong pinagtagpo sa maling panahon at maling oras. " Pangakong hindi kita malilimutan, sa simoy ng hangin,patak ng ulan,tibok ng puso ko, ibubulong ito sa himpapawid, sa bawat araw kasama mo ako, kaakibat bawat pahinga ko. Hindi matitinag ang pangako kong ito. Ikaw ang ilaw sa dilim. Sa habang buhay aking pangako hindi kita malilimutan kailanman." liham ng isang babae sa kanyang kasintahan na nagmula sa nakaraan.