Buong buhay ni Elise ay hindi niya naranasang mahalin at tanggapin ng kanyang mga magulang. She's always left being unwanted. At dahil sa isang pagkakamali ay nagawa siyang itakwil ng mga ito na tila isang basura. Hanggang sa makilala niya si Ezackarius Monte Acosta, apo ng pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa isla ng Villa Carta. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya ang lalaki na nakatakdang ipakasal sa kanyang kapatid. Alam niyang mali, pero hindi maiwasan ng puso niya na mahulog ang loob sa binata. Mapipigilan niya kaya ang sarili niyang mahalin ang lalaki kahit alam niyang may nagmamay-ari na rito? Magiging masaya pa kaya siya kung ang tanging paraan na lamang ay maging manhid sa lahat ng sakit?