Isang galawgaw na dalaga mula sa taong 1926 ang naiipit sa dalawang desisyon: kung papayag siya sa kagustuhan ng kanyang ama o susundin ang matagal nang ninanais ng kanyang puso. --- Kilala si Almira Amorin bilang isang dalaga na mahilig mamasyal sa mga kalye ng Escolta na nakabihis panlalaki. Paborito niya itong libangan para makapuslit siya sa kanilang tahanan. Ngunit nang malaman ito ng kanyang striktong ama, pinagbawalan na si Almira na gawin ang kanyang nakagawian. Para magtino si Almira ay sinabihan siya ng ama na pagkatapos ng isang taon, kailangan na niyang makahanap ng mapapang-asawa. Kung hindi ay ipagkakasundo na siya sa isa sa mga may-kayang binata na kilala ng kanyang pamilya. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon si Almira na sumali sa isang patimpalak kung saan may salaping mapapanalunan, naisipan niya na maging kandidata ng Queen of Manila. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang makakaya niya para manalo at makapasok sa isang unibersidad. Ito lang ang tanging paraan para mapatunayan niya ang kanyang sarili at ipakita sa kanyang pamilya na hindi pag-aasawa ang kanyang kagustuhan sa buhay. Ngunit magbabago ba ang kanyang kagustuhan pagkatapos makilala si Lino, ang kaibigan ng kanyang Kuya Manuel? (Photo by Pegah Sharifi on Pexels) Started: 04/28/2028 Ended: ---
2 parts